Mga Kabuuang Pageview

Martes, Mayo 1, 2012

Kasi BALIW ka

Overthinking na naman noh? Dami-dami na namang gumugulo sa isip mo. Marami kang doubts? Worries? Takot ka? Ah hindi mo maintindihan. gulong-gulo ka nga. Ano ba kasing ikinagugulo ng utak mo? Siguro isa sa mga iniisip mo marami nang nagbago. Na kesyo ganito na ngayon, hindi na tulad ng dati. Na dati, iba pa yung approach. Na mas close dati, na mas okay dati, na mas masaya pa.

Iniisip mo na ibang-iba na siya. Na ang laki-laki na nang ipinagbago niya. Kung makitungo siya sayo ngayon, ibang-iba na sa dati. Feel mo dati mas malapit siya sayo. Marami pa siyang ikinikuwento sayo, na parang halos lahat na lang nang ginagawa niya nire-report niya sayo. Na ngayon busy na busy na siya, hindi na kayo nakakapag spend time together. Iniisip mo na may sarili na talaga siyang buhay.

Halos lahat na lang yata ng rason kung kaya maraming dumating na pagbabago itinuturo mo sa kanya. Sa sarili mo wala kang inaako na kasalanan o kahit ano mang rason. Gusto mong isipin na siya lang ang nagbago at ikaw hindi. 

Eh gago ka pala eh. Bakit siya lang? Sa tingin mo ikaw hindi ka nagbago? Na ikaw lagi yung kawawa na lang sa sitwasyon niyo? Gago ka nga. Kung inaakala mo na siya ang unang nagbago o siya lang talaga ang nagbago, mag contemplate ka nga ng mabuti. Mag-isip ka ng malalim. Siya lang ba talaga nagbago? 

Ayun. Nahimasmasan ka. May mga na realize ka, ano? Narealize mo na ikaw rin pala mismo, ANG DAMI MONG IPINAGBAGO NA. Hindi ka na rin pala tulad ng dati at ikaw ang nauna pa nga. Ibang-iba ka na rin makitungo sa kanya kahit sa maliliit na bagay lang. Ikaw naman kasi nauna talaga eh. Ikaw yung siguro, nagkamali. Naisip mo ba, kahit na busy yung tao, sinusubukan niya naman bumawi sayo. Eh hindi mo ba naisip na talagang darating sa punto na mabu-busy na kayo sa mga kanya-kanyang buhay niyo.

Bumabawi naman siya sayo eh. Kapag nangangailangan ka, pinipilit niyang makatulong sayo. Ang taas-taas lang kasi ng expectations mo. Iniisip mo na ang mga bagay ay tulad pa rin ng dati. Pero hindi naman pupwede eh. Laging may pagbabago na nagaganap. Kaya nga NATURE IS CHANGE, diba? Dapat mag adjust ka sa mga pagbabago na yun. At huwag ka masyadong negative kung mag-isip. Marami ka rin kasi sigurong insecurities kaya ganyan ka kung mag-isip. 

At eto pa ang nakakatuwa. Yung taong iniisip mo na nagbago, siya pa yung handang gumawa ng sagad to the bones na effort! Wagas sa effort pa talaga. Nakonsensiya ka noh? Dapat lang talaga ano. Sira ka pala eh. Wala kang puso kapag hindi ka nakonsensiya. Tigas mo niyan. AT ANG SELFISH MO NA.

So ngayon, sa kanya mo ba ibe-blame pa lahat? Napapabuntong-hininga ka. Dapat kasi maging kuntento ka na lang sa kung ano ang meron ka ngayon. Wag masyado taasan ang expectations. At higit sa lahat wag mong hilingin na sana walang magbabago dahil talagang maraming magbabago naman talaga eh. The more na mag-iisip ka na maraming magbabago, baka tiyak na magkakaroon talaga ng pagbabago niyan. At panghuli, PAHALAGAHAN AT TRATUHIN MO NG MABUTI YUNG TAONG GUMAGAWA NG MABUTI SAYO. NEVER TAKE THEM FOR GRANTED.



With Much Love,
Klassy Kleah :)